REAL TALK |What others think! Life in Canada or America.

BUHAY CANADA 

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America O Canada ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo,madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kasi pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan. Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.
Akala nila mayaman kana kasi may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America o Canada
maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America o sa Canada man .
Akala nila masarap ang buhay dito sa America at Canada . Ang totoo, puro ka trabaho kasi pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit
card, ilaw, tubig, telepono, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kasi busy din sila
maghanap buhay pangbayad ng bills nila.

Akala nila masaya ka kasi nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland , Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba
pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong
pinangbayad sa ticket.
Akala nila malaki na ang kinikita mo kasi dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pag pinalit mo ng peso, pero
dolyar din ang gastos mo sa America o Canada . Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin.
Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America , $1.50+ tax ang isang pakete ng sigarilyo sa Pilipinas P40.00, sa
America $ 6.50, sa Canada $10, ang renta mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America at Canada $1,200++.
Akala nila buhay milyonaryo ka na kasi ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo, milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang
bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo. Nagka-asawa at nagka-apo ka na, may hinuhulugan ka pa ring utang.
Madaming naghahangad na makarating sa America o Canada. Lalo na ang mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun
din sa ibang bansa katulad ng America .

Hindi ibig sabihin dolyar na ang
sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa. Kailangan mong kumilos at kumita upang mabuhay sa araw-araw. Matitikman mo lang ng buo ang iyong naipon sa pagreretiro kung ikaw ay edad 65-70 na.
Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang
mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot
ang pera dito o pinipitas. Hindi ako
naninira ng pangarap, gusto ko lang
buksan ang bintana ng katotohanan

ISIP ISIP: Kahit saan mahirap ang buhay. Ang kaibahan ng buhay dito sa Amerika o Canada at sa Pilipinas, dito sa America at Canada , makikita mo ang pinaghirapan mo, maa-enjoy mo ang pinagbanatan mo ng buto. Sa Pilipinas, lasag na ang buto mo, naghahabol ka pa din ng jeep o FX para makarating sa trabaho na dapat sana ay siyang magbibigay sa iyo ng kakayanan para guminhawa ang buhay. Dito sa America at Canada kahit karaniwang manggagawa, nakaka-utang ng milyon. Sa atin, “white collar” job ka na hirap ka pang makautang sa tindahan sa kanto nang kahit isang kilong bigas (dahil sila man ay kailangan din ng cash). Saan ka lulugar?

Continue reading on next page

Loading...

Share Your Comments!

comments

Leave a Reply