Paano ang Tamang paghahanap ng Trabaho Abroad?

Siguraduhing tama at legal ang iyong paghahanap ng trabaho sa ibang bansa. Maghanap lamang sa mga recruitment agencies na lisensyado at autorisado ng POEA o Philippine Overseas Employment Administration.

Ang POEA ang nagbibigay ng lisensya sa mga recruitment agencies para sila ay legal na makapag-recruit at mag-deploy ng mga Pilipino sa ibang bansa. Mahalaga ang papel ng recruitment agency sa istriktong pag-papatupad ng mga employment contracts.

Hindi nire-recommend ng POEA ang direct hiring dahil walang local representative ang employer na sasagotkung sakaling magkaroon ng problema ang isang Pilipinong manggagawa sa kanyang employer.

The Recruitment Agency Para sa iyong proteksyon, i-check sa www.poea.gov.ph o sa POEA mobile app kung ang isang recruitment agency ay lisensyado o hindi.

Ang license ng recruitment agency ay maaring VALID, SUSPENDED o CANCELLED. Maari ding DELISTED ang isang recruitment agency. Makipag-ugnayan lamang sa agency VALID lisensya. Siguraduhin din na may APPROVED JOB ORDER ang recruitment agency para sa trabahong iyong ina-aplyan.

I-handa ang mga sumusunod na mga dokumento kung ikaw ay mag- a-aply sa recruitment agency:

  • Birth Certificate na issued ng National Statistics Office (NSO) na kilala ngayon bilang Philippine Statistics Authority (PSA).
  • NSO copy ng Marriage Contract para sa mga babaeng aplikante na may asawa
  • Certification mula sa National Commission on Muslim Filipinos para sa mga aplikanteng Muslim • Transcript of School Records at Diploma na authenticated at verified ng Department of Education (DepEd) o ng Commission on Higher Education (CHED)
  • Training Certificates mula sa TESDA o TESDA-accredited training center Your Job Search: The Recruitment Agency Ang mga dokumentong ito ang magpapatunay ng iyong mga credentials at qualifications. Huwag mag-submit ng mga pekeng dokumento! Suspension sa overseas employment o permanent disqualification ang ipinapataw sa sinumang napatunayang nag-submit ng mga pekeng dokumento.

The Recruitment Agency

  1. Basahin at aralin ng mabuti ang Employment Contract na ibibigay sa iyo bago mo. Lagdaan lamang ito kung ikaw ay sangayon sa mga provisions na nakasaad dito.
  2. Magpa-medical examination ka sa isang DOH- accredited clinic. I-submit ang resulta sa recruitment agency.
  3. Umatend ng Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) sa isang OWWA-accredited PDOS provider. Kunin ang iyong Certificate of Attendance at magbigay ng kopya sa recruitment agency.

Note: Dadalhin ng recruitment agency sa POEA ang mga dokumentong ito para sa processing at ma-issue ang iyong Overseas Employment Certificate (OEC).

Kung ikaw ay napili sa ina-aplyan mong trabaho, gawin ang mga sumusunod:

Government Placement Branch (GPB) Tulad ng:

  • Employment Permit System ng South Korea (factory workers)
  • Philippine-Japan Economic Parternship Agreement o PJEPA ng Japan (nurses at caregivers)
  • Triple Win Project ng Germany (nurses)
  • Ministry of Health-Kingdom of Saudi Arabia (nurses, radiologists, at iba pang medical health workers)

Para sa mga interesado mag-aply para sa mga trabaho sa ilalim ng GPB, mag-register sa e-Registration facility ng POEA na makikita sa POEA website – www.poea.gov.ph.

Maari mo ring i-check ang Government Placement Branch (GPB) ng POEA sa iyong paghahanap ng trabaho sa ibang bansa. May mga special recruitment programs ang ilang gobyerno ng ibang bansa at diretso silang nakikipa-ugnayan sa POEA para sa kailangan nilang mga manggagawa.

Government Placement Branch (GPB) Ihanda ang sumusunod na mga dokumento:

  • Duly accomplished OFW Information Sheet
  • Duly executed Employment Contract / Employment Offer
  • Passport (original & photocopy) • Medical Certificate (original & photocopy)
  • Certificate of Pre Departure Orientation Seminar (PDOS) (original & photocopy) • NBI Clearance (original & photocopy) For Visa Processing
  • Duly accomplished visa application form
  • Copy of visa authorization/visa availability •

Three (3) pcs passport size (colored with white background)

Government Placement Branch (GPB) Pagkatapos magpa-medical exam sa isang DOH-accredited clinic, gawin din ang mga sumusunod:

  1. Mag-attend ng Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) ng OWWA. Ito ay ginaganap sa 2nd Flr., POEA Building. Kunin ang iyong Certificate of Attendance.
  2. I-submit ang resulta ng iyong medical exam at PDOS Certificate of Attendance sa GPB.
  3. Kunin ang iyong Overseas Employment Certificate (OEC).

Maliban sa recruitment agencies, maaring makahanap ka ng trabaho sa ibang bansa sa sarili mong paraan na walang tulong ng isang third party gaya ng recruitment agency. Ang prosesong ito ay tinatawag na DIRECT HIRING. Maging maingat sa paghahanap ng trabaho sa ganitong paraan!

Sa direct hiring, ang employer mo ang:

  1. Mag-aayos ng iyong Employment Contract na naka-pangalan sa iyo. Siya din ang magsusumite nito sa Philipine Overseas Labor Office (POLO) / Philippine Embassy para sa verification/authentication.
  2. Mag-a-apply ng work visa/permit para sa iyo.
  3. Magpapadala sa iyo ng verified/authenticated employment contract kasama ng iyong round-trip airline ticket at pambayad sa processing fees.

Kung kinakailangan, dumaan sa isang medical examination sa isang DOH-accredited clinic. Kunin ang Medical Certificate.

.Umatend ng PDOS na binibigay ng OWWA sa 2nd Flr. Din ng POEA. Kunin ang PDOS Certificate of Attendance.

Bumalik sa DHAD dala ang mga kopya ng iyong Medical Certificate at PDOS Certificate of Attendance Bayaran ang fees para makuha ang iyong Overseas Employment Certificate (OEC).

Bilang isang direct hire, ang mga sumusunod naman ang iyong mga kailangan gawin:

  1. Ipa-evaluate ang pinadalang verified/authenticated employment contract at work visa/permit sa Direct Hire Assistance Division (DHAD) ng POEA na matatagpuan sa 2nd Floor, Blas F. Ople Building, Ortigas Ave. cor. EDSA, Mandaluyong City.

The Overseas Employment Certificate Ano ang kahalagahan ng Overseas Employment Certificate (OEC)?

  1. Ito ay pruweba na ikaw ay isang documented overseas worker.
  2. Ito rin ay pruweba na ikaw ay nagbayad ng POEA processing fee at OWWA membership contribution. 3. Ang OEC ay valid ng 2 buwan mula sa petsa kung kailan ito in-issue. Nangangahulugan ito na ang recruitment agency ay dapat na i-deploy ka sa period ng 2 buwan.
  3. Ito ay magsisilbing travel exit clearance mo sa airport.
  4. Ang OEC ay pruweba na hindi mo kailangang magbayad ng travel tax at terminal fee.

Tandaan: Maging documented overseas worker! May proteksyon ka ng batas at maari mong ma-enjoy ang mga benepisyo ng mga programa at serbisyo ng gobyerno kung ikaw ay documented.

Loading...

Share Your Comments!

comments

Leave a Reply